Simula ngayong araw ng Biyernes, May 1, 2020 at unang araw din ng paglipat natin sa GCQ ay ang pagsisimula din na pinapayagan nang muling maghanap buhay ang mga tricycle driver dito sa lalawigan ng Camarines Norte. 30% lamang na bilang ng mga tricycle ang papayagan araw-araw sa bawat munisipyo ng lalawigan.

 

Sa Bayan ng Daet ay may schedule lamang po ng pamamasada ang mga traysikel base sa numero ng kanilang prangkisa. Ito po ay gaya ng mga sumusunod:

 

0001 – 0834 – Lunes at Huwebes

0835 – 1667 – Martes at Biyernes

1668 – 2500 – Miyerkules at Sabado

Hindi po pinahihintulutang magpasada ng Linggo.

 

Ang bawat tricycle ay may 2 sakay lamang. Isa sa loob at isa sa likod ng driver, ngunit kinakailangan na merong harang sa pagitan ng pasahero at driver nito. Kinakailangan din na may suot na mask at gloves ang bawat driver, hindi rin dapat magpasakay ang driver kung ang pasahero nito ay walang suot na mask at walang quarantine pass o work pass.

 

Pagdating naman sa pamasahe, mananatili pa ring 10 pesos sa unang dalawang kilometro at may dagdag na 1 piso sa bawat madagdag na kilometro. Ang “special fare or trip” ay depende sa mapagkakasunduan ng driver at pasahero.

 

Samantala, Narito ang COVID Operation Hotline Number, 0912-855-5551 para sa inyong mga reklamo kung sakaling makakasumpong kayo ng abusadong traysikel driver.

 

Camarines Norte News