Inaasahan ngayong araw ng Lunes, May 4, 2020, ang muling pagbubukas ng OutPatient Department ng Camarines Norte Provincial Hospital para sa mga mamamayan ng Camarines Norte na nais magpatingin o magpacheckup sa mga doktor.

 

Kung maaalala, isinara muna pansamantala ang OPD nitong tayo ay pumasok sa pagiging Enhanced Community Quarantine sa ating lalawigan. Kung kaya ngayon ay inanunsyo ng Provincial Health Office (PHO) na muli itong bubuksan sa publiko, ngunit kinakailangan pa rin sumunod sa mga panuntunan ngayong tayo ay nasa General Community Quarantine (GCQ) na.

 

Kaya naman naghanda ng mga regulasyon ang PHO katulad ng paglilimita sa mga pasyente.

Araw-araw, 20 pasyente lamang ang mapagbibigyan sa bawat departamento, mula lunes hanggang biyernes. magiging first come, first serve ang basehan ng mga nais pumunta ng OPD para na rin patas sa lahat ng mga nagtiyaga at pumila.

Mayroon ding cut- off time na hanggang alas 10 ng umaga o kapag umabot na sa 20 pasyente ay ititigil na muna ang pagtanggap. Gagawin lamang din ang dental procedures kung emergency case.

 

Samantala, paalala pa rin sa mga pupuntang pasyente, kinakailangan pa rin na nakasuot tayo ng mask at pinaiiral pa rin ang physical distancing.

 

Camarines Norte News,