Sa gitna ng malaking problema na kinakaharap ng ating bansa sa panahon ngayon, ay ganun din ang pagsabay ng mga taong gumagawa naman ng mga ilegal na bagay.

Kahapon, MAY 4, 2020, araw ng Lunes. Sa tulong PDEA ROV at Basud MPS ay naaresto ang isang foam vendor na lalaki matapos mahulihan ito ng pinaghihinalaang shabu sa Purok Acacia, Barangay Poblacion 2 sa Bayan ng Basud.

 

Kinilala ang suspek na si Mark Gabriel Pajarin Mago A.K.A (Ukoy), 20 years old at residente ng Purok-1, Brgy 2, sa bayan naman ng Mercedes.

 

Base sa tala ng Basud MPS, bandang 4:05 ng hapon ng hulihin si Mark Mago ng mga otoridad matapos nitong mabentahan ang isang poseur buyer ng isang heat sealed transparent plastic na pinaghihinalaang shabu. Nakumpiska sa suspek ang (2) dalawa pang plastic sachet ng pinaghihinalaang shabu at (1) isang 500 peso bill bilang marked money.

 

Sangayon ay hawak na ng Basud MPS ang nasabing suspek at kasalukuyan na ring inihahanda ang kasong kahaharapin nito.

 

Camarines Norte News,