Kahit na ang lalawigan ng Camarines Norte ay nasa ilalim na ngayon ng General Community Quarantine (GCQ) ay patuloy at mas pinahigpit pa lalo ng ating mga frontliners ang pagbabantay sa bawat boundary ng ating lalawigan upang hindi tayo mapasok ng COVID19.

 

Nitong nakatalikod na lunes, ay nagsagawa ng Infection Prevention Practices Activity ang Department of Health (DOH) at Provincial Health Office (PHO) sa Don Tomas Elementary School sa bayan ng Sta Elena at sa Covered Court naman ng Brgy. Tuaca sa bayan ng Basud. Ito ang mga lugar na nagsisilbing Holding Area ng mga taong uuwi dito sa lalawigan ngunit di muna pinapayagang makapasok dahil kinakailangan nilang sumailalim sa 14 days Quarantine.

 

Katuwang sa naturang aktibidad ang Philippine Army, Bureau of Fire Protection at Philippine National Police.

Isinagawa ang aktibidades upang maging handa at alam na ng mga nakatalagang mga personahe sa mga boundary checkpoints ang kanilang gagawin kung sakaling may makapasok na Carrier ng Covid19 sa kanilang mga binabantayang lugar. Aniya ng PHO.

 

Camarines Norte News,