Matapos ipamahagi nitong mga nakatalikod na araw ang isang buong manok sa 3rd wave na ayuda at mga groceries naman sa 4th wave na nagmula sa Lokal na Pamahalaan ng Daet. Ngayong Linggo ay magsisimula na naman muling mamahagi ng ayuda sa ikalimang pagkakataon sa Pamumuno ng ating Alkalde ng Daet na si Mayor Benito Ochoa.

 

Magsisimulang ipamahagi ang nasabing relief goods anumang araw bago matapos ang linggong ito. Bawat households ay makakatanggap ng Gulay, delata, sotanghon, at 2 klase ng dried fish products.

 

Samantala, ipinaaalam naman ni Mayor Ochoa sa mga mamamayan ng Daet, na hindi sabay sabay ang pagrelease ng mga relief goods sa 25 na barangay. Sila ay gumawa ng schedule mula sa araw ng Biyernes hanggang Linggo, sapagkat ito ay Perishable Goods.

 

Narito naman ang mga PAALALA na ipinapaabot sa atin ng Lokal na Pamahalaan ng Daet.

Paalala:

*Ang Bilang ng household po ay base sa updated submitted data ng mga Brgy.

*Ito po ay ihahatid sa inyong mga tahanan.

*Kung kayo po ay my mga katanungan makipagugnayan po sa LGU Daet o maayos na klaruhin sa inyong mga Brgy.

*Panatilihin po nating Covid Free ang Bayan ng Daet..

 

Camarines Norte News,