Dahil sa pinakaunang kaso ng COVID na naitala sa lalawigan ng Camarines Norte, agad na naghanda at nagpatupad ng Precautionary Measures ang lokal na Pamahalaan ng Labo. Sa pamumuno ng Alkalde ng nasabing bayan na si Mayor Joseph Ascutia ay agad na isinailalim sa Lockdown ang 2 barangay. Ang barangay Tulay na Lupa at Barangay PAG-ASA para na rin maging maayos ang Contact Tracing na kanilang isinasagawa.

 

Kasabay na rin nito ang paghihigpit pa lalo ng mga checkpoint sa nasabing lugar at mahigpitang pag-isyu ng Quarantine Pass. Tanging ang meron lamang nito ang pagbibigyan na makalabas upang makabili ng kanilang pangangailangan. Magkakaroon na lamang muli ng schedule na araw sa pamamalengke at inabisuhan na rin ng nakatataas na ang lahat ng ito ay mahigpit na ipatutupad.

 

Samantala nakapaglagay na rin ng mga Checkpoint sa mga sumusunod:

 

-Brgy. Tulay na Lupa entry/exit point boundary of Brgy. Lugui and Brgy. Napaod

– Brgy. Calabasa possible exit and entry point of Brgy. Maot, Matanlang, Benit, Napaod, Bayan- Bayan, Baay and Pag-asa.

-Brgy. Talobatib on monitoring

 

Camarines Norte News,