Kahapon ng umaga, Martes, Mayo 12, 2020. Sinimulan nang iturn over ang nasa 16,000 foodpacks mula sa Provincial Government para sa mga mamamayan ng Bayan ng Paracale. Sa pamumuno ni Gov. Egay Tallado at ng Congresswoman ng Unang Distrito na si Cong. Josie Baning Tallado.

 

Sa isinaganap na aktibidades ay labis ang pasasalamat ng Alkade ng nasabing lugar na si Mayor Romeo Moreno, sabi nito “Sa pangalan ng LGU-Paracale at nang buong kumunidad kami ay taus pusong nagpapasalamat sa inyong mahalagang suportang ipinagkaloob sa aming mga kababayan. Asahan ninyo na andito lang kami handang tumulong at makiisa sa inyong mga hangarin para sa ikabubuti at ikagaganda ng ating minamahal naming bayan maging ng probinsya ng Camarines Norte. Muli, maraming salamat Governor Egay at Congresswoman Josie Baning Tallado sa suportang ipinagkaloob sa pamamagitan ng mga ayudang ito, malaki ang magiging tulong nito sa aking nasasakupang bayan”

 

Nagpaabot din ng mensahe si Cong Josie Baning Tallado, “Sa panahon ngayon, pagkakaisa at pagtutulungan ang dapat na mangibabaw imbes na pulitika ang pinag-uusapan, bilang inatasan ni Governor Egay Tallado na magtungo sa bawat bayan upang isagawa ang pamamahagi ng ayudang ito hangad ko na lahat ng households ay makatanggap ng tulong na ito mula sa Kapitolyo Probinsyal”.

 

Sangayon ang nasabing 16,000 foodpacks ay hawak na ng bawat punong barangay sa 27 barangays ng bayan ng Paracale, kasama nila ang kanilang mga konseho upang maipamahagi na sa kanilang mga residente.

 

Camarines Norte News,