Sa panayam ng Cool Radio News kay Governor Egay Tallado sa Palatuntunang Dyaryo sa Cool Radio kaninang umaga, Biyernes, Mayo, 15, 2020. Sinabi ng ating Gobernador Egay Tallado na ngayong darating na MAYO 16 ay muli tayong nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).

Kung maaalala nitong mga nakatalikod na araw ay napabalita na tayo ay papasok na sa pagiging Modified GCQ ngunit kinabukasan ay tinanggal ang pagiging Modified at ibinalik na muli sa GCQ.

 

Nagpaabot naman ng mensahe ang Gobernador na sa pagdating ng Mayo 16 ay may kaunting kaluwagan na gagawin sa probinsya, kagaya nang pag babago ng Curfew hours natin na dating 8:00pm hanggang 5:00am, ngayon ay magiging 9:00pm to 5:00am na. Kasabay rin nito ang papayagan na muling bumili at uminom ng mga inuming nakalalasing ngunit may limit o oras lamang. Pag pasok sa oras ng Curfew ng 9pm to 5am ay bawal na muli ang Alak. Paalala rin na tanging sa mga sariling tahanan lamang pwede at pinagbabawal ang uminom sa labas. Bawal na bawal pa rin ang Mass Gatherings.

 

Samantala, sa mga exit and entry point naman sa boundary ng probinsya, nananatili pa ring mahigpit sa pagpapapasok ang ating mga frontliners, kinakailangan na makipag ugnayan muna sila sa nakatataas kung sila ay papasok sa loob ng ating probinsya kagaya ng mga truck o mga magdedeliver ng mga pangunahing pangangailangan.

 

Para naman sa mga mamamayan ng probinsya, ay malayang makakapag ikot o pumunta sa mga katabing bayan basta’t kinakailangan na merong Quarantine Pass. Nagpapatuloy pa rin ang social distancing at pagsusuot ng facemask.

 

Camarines Norte News,