Walang pagod at walang sawa ang pag papaabot ng tulong ng Team Serbisyong Tallado sa bawat bayan ng Camarines Norte. Nauna nang pinaabutan ng mga Relief ang bayan ng Sta. Elena, Capalonga, Panganiban at Paracale. Nitong nakatalikod na araw, Sabado, Mayo 16, 2020, Bayan naman ng Labo ang kanilang pinuntahan upang mapamahagian ang 9 na barangay nito.

 

Kung maaalala, kasagsagan ng Bagyong Ambo noong araw ng sabado, kaya naman sa mensahe ni Congresswoman Josie Baning Tallado ay taos puso ang kanyang pasasalamat sa mga dumalo na kahit masama ang panahon dahil sa bagyo ay naririyan at patuloy pa rin ang pagsuporta ng mga Barangay Councils upang tanggapin ang ayuda mula sa Pamahalaang Panlalawigan.

“Sa panahon ngayon, pagkakaisa at pagtutulungan ang dapat na mangibabaw imbes na pulitika ang pinag-uusapan, bilang inatasan ni Governor Egay Tallado na magtungo sa bawat bayan upang isagawa ang pamamahagi ng ayudang ito hangad ko na lahat ng households ay makatanggap ng tulong na ito mula sa Kapitolyo Probinsyal”, mensahe ni Cong. Tallado.

 

Dumalo sa aktibidades si Municipal Administrator Jojo Francisco bilang tagapagsalita ni Mayor Joseph Ascutia ng Lokal na Pamahalaan ng Labo at siya ay personal na nagpasalamat sa dalawang lingkod bayan sa dahilang walang tigil ang mga ito sa ginagawang pagtulong sa mga nangangailangan lalo na sa kasalukuyang nararanasang pandemic COVID-19.

 

Ayon naman sa tala, nasa 5,053 foodpacks ang naipamahagi at ito ay ang mga natanggap ng 9 na Punong Barangay kasama ang kanilang councils:

  1. Anameam – 420
  2. Bayabas – 360
  3. Canapawan – 602
  4. Guisican – 450
  5. Malatap – 750
  6. Cabatuhan – 485
  7. Malaya – 523
  8. Malibago – 388
  9. Tigbinan – 1,075

 

Samantala nauna nang ipamahagi nina Governor Egay Tallado at Cong. Josie Baning Tallado ang mga foodpacks sa barangay ng Tulay na Lupa at Pag-Asa, ito ay dahil sa nangyaring paglockdown sa kanilang lugar dahil sa kauna unahang nagpositibo sa Covid sa ating Lalawigan. Ayon sa Kongresista, ramdam nila ang pangangailangan ng dalawang barangay lalo na sa pagkain kaya kanilang ipinadala agad ang nasa 2,100 foodpacks para sa bawat households ng nasabing barangay.

 

Sa mga susunod na araw naman ay inaasahang Bicol Speaking Municipalities ang susunod na pupuntahan upang mapaabutan ng mga ayuda habang tayo ay nasasa ilalim pa rin ng General Community Quarantine.

 

Camarines Norte News,