Nitong nakatalikod na araw, Mayo 18, 2020, sa pamamagitan ng Electronic Filing, ay isinumete ni Congresswoman Josie Baning Tallado ang House Bill 6751 na may pamagat na “An Act Providing For Fixed Salaries Of Barangay Official And Such Other Benefits Being Received By Regular Government Employees”

 

Ayon sa Kongresista, dahil sa napakalaking tungkulin na ginagawa ngayon ng mga opisyal ng ating mga barangay bilang mga frontliners, ay hindi biro ang kanilang dinaranas. Sila ang nagsisilbing instrumento ng pamahalaan upang makuha ang mga datos ng kanilang mga barangay na nasasakupan, sila din ang unang nakakatanggap ng galit ng taumbayan kung sila ay hindi napapaabutan ng mga ayuda bagamat hindi naman nila ito kasalanan.

Ngunit lingid sa kaalaman ng ating mga kababayan ay kakaunti lamang ang kanilang natatanggap na allowance o insentibo mula sa pamahalaan. Tinatayang hindi bababa sa 1,000 Pesos ang natatanggap ng Punong Barangay kada buwan at nasa 600 Pesos naman kada buwan sa mga Kagawad, Brgy Treasurer o Secretary.

 

Hindi rin sila tinuturing “Regular Government Employees” kung kaya hindi sila nakakatanggap ng mga benepisyo kagaya ng mga regular na Empleyado na Gobyerno.

Sa panukalang isinumete ni Cong Josie Tallado, sinasabi dito ang pagtatalaga ng permanenteng salary grade na kapareho ng salary grade ng isang miyembro ng Sangguniang Bayan. Ito ay suportado din ng mga dating pahayag ni Sec. Eduardo Año ng DILG at ilang Senador at mambabatas na nagpahayag din ng kanilang panukalanag batas.

 

“Bagamat hindi pa naman final ang aking panukalang Salary Grades sa mga Barangay Officials, inaaasahan kong mabuksan ang diskurso tungkol dito at magbigay ng kanilang kuro-kuro ang ibang mambabatas, Department of Interior and Local Government at Department of Budget and Management at iba pang sangay ng pamahalaan tungkol dito.” Mensahe ni Cong. Josie Baning Tallado.

 

Camarines Norte News,