Mga nakahundasay na sa kanilang kama ng maabutan ng Mister ang kanyang mag iina sa loob ng kanilang tahanan, kaninang 10:00 ng umaga, Mayo 20, 2020 sa Purok-1, Barangay Pinagwarasan, Basud Camarines Norte.

 

Patay ang tatlo nitong mga anak na lahat ay may hiwa sa kani kanilang leeg. Habang ang asawa naman nito ay may tama ng saksak sa kanyang katawan na siyang gumilit sa leeg ng kanilang mga anak.

 

Kinilala ang mga batang biktima na sina Mitzuki Magistrado Samonte, 5 years old. Zuyen Chase Magistrado Samonte, 1 year and 8 months old, at Zoe Magistrado Samonte, 4 months old. Samantala kinilala naman ang suspek na mismong ang kanilang ina na si Joan Magistrado Samonte, 28 years old.

 

Ayon sa Hepe ng Basud na si PCAPT Eva Guiruela, Matapos gilitan sa leeg ng suspek ang kanyang mga anak, ay sinaksak din nito ang kanyang sarili gamit ang bolo na narekober sa lugar na pinangyarihan.

 

Sinugod ang mga biktima at suspek sa Camarines Norte Provincial Hospital. Ayon sa Doktor na sumuri sa suspek, ito ay may Post Partum Depression.

 

Sangayon ay kasalukuyan pa rin nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga otoridad ng Basud MPS kaugnay sa naganap na insidente.

 

Camarines Norte News,