Wala nang nagawa ang isang babae matapos hulihin ito ng mga otoridad sa pagbebenta ng ipinagbabawal na droga, 9:00 ng gabi nitong Mayo 19, 2020, sa P-3, Barangay Bautista, Labo, Camarines Norte.

 

Kinilala ang suspek na si Carmela Labrador Royol, 26 anyos, residente ng P-8 Magallanes Ilaod, Brgy. 1, Daet, Camarines Norte.

 

Base sa tala ng Labo MPS, Hinuli si Carmela matapos mabentahan nito ang isang posuer buyer ng pinaghihinalang shabu, nakumpiska sa suspek ang isang piraso ng heatsealed transparent plastic sachet na nagsilbing buybust drug at walo (8) pang heatsealed transparent plastic sachet na pinaghihinalaang shabu, dagdag pa ang limang daan piso na buybust money.

 

Sangayon ay hawak na ng Labo MPS ang nasabing suspek at nakahanda na rin ang kasong kahaharapin nito.

 

Camarines Norte News,