Dumating na ang mga panibagong gamitin na kailangan ng ating mga ospital sa lalawigan kahapon, May 21, 2020. Ito ay ang mga Medical Equipments at Personal Protective Equipment na gagamitin laban sa COVID19 Pandemic na dadalahin naman sa Camarines Norte Provincial Hospital, Labo District Hospital, Capalonga Medicare at Community Hospital.

 

Ilan sa mga kagamitan na ito ay ang mechanical ventilator, motorized hospital beds, major surgery set, laparoscopy tower, fully automated blood chemistry analyzer, at marami pang iba.

Habang sa PPEs ay mayroong coverall, googles at KN95 masks para sa hospital frontliners at medical staff.

Kung maaalala, simula nung mga nakalipas na buwan ay sunod-sunod ang pagbili ng Pamahalaang Panlalawigan ng mga Medical Equipments at PPEs, gayundin sa pangangailangan ng iba pang mga pasyente at kawani ng CNPH,LDH at CMCH.

 

Camarines Norte News,