Mayo 23, 2020, Daet, Camarines Norte. Nag-negatibo sa COVID-19 ang labintatlong (13) swab samples mula sa lalawigan ng Camarines Norte ayon sa pinakahuling ulat ng Department of Health kahapon..

Ang mga nasabing resulta ay nagmula sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa Metro Manila dahil sa kasalukuyan ay tigil operasyon pa rin ang Bicol Diagnostic and Reference Laboratory matapos ang pinsalang tinamo nito ng nagdaang bagyong Ambo.

Wala ring naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa rehiyon. Samantala, ayon sa pinakahuling datos ng DOH-Bicol ay wala ng Suspect or Probable individuals sa lalawigan ng Canarines Norte.

Patuloy ang pagpapaalala ng ahensya na patuloy na sundin ang mga Community Quarantine guidelines and directives na pinapairal ng gobyerno.

 

Blaise Henry E. Ilan

Camarines Norte News