Inaprubahan na sa Sangguniang Panlalawigan ng Camarines Norte ang ordinansa hinggil sa pagbabawal sa pagdura ng sinuman sa mga pampublikong lugar sa probinsiya ng Camarines Norte bilang paraan ng pag-iwas sa CoViD-19.

Ang nasabing ordinansa ay may titulong ”AN ORDINANCE PROHIBITING ANY PERSON FROM SPITTING OR EXPELLING SALIVA, PHLEGM, MUCUS OR OTHER SUBSTANCE FROM MOUTH, OR NOSE BLOWING IN PUBLIC PLACES WITHIN THE PROVINCE OF CAMARINES NORTE TO PREVENT THE SPREAD OF COVID-19 OR OTHER DISEASES.”

Naglalayon ang nasabing ordinansa ng pagbabawal sa pagdura kung saan-saan para maiwasan ang pagkalat ng virus na sinasabing nakukuha sa laway o dura ng tao.  Nakasaad din dito na kung sino man ang lalabag at mahuhuli ay maaring pag multahin ng Php 100.00 at 4 hours community service para sa first offense, Php 300.00 at 8 hours community service para sa second offense at para naman sa 3rd Offense ay Php 500.00 at 16 hours community service.

Dagdag pa rito, maaring arestuhin o sitahin ng sinuman ang mga taong mahuhuling lalabag sa nasabing ordinansa. Samantala katuwang naman sa pagpapatupad ng nasabing ordinansa ay ang Philippine National Police, Sanitary Inspector, Opisyal ng Barangay gayundin ang mga Barangay Police.

 

Gian Terri G. Hernandez 

Camarines Norte News