Ngayong darating na Hunyo a-3, ay nakatakdang ipatawag sa Sangguniang Panlalawigan ang Management ng New One Department Store, dahil umano sa reklamo ng dalawang babae na hindi sila pinapasok sa loob ng nasabing establisyemento matapos malaman na sila ay residente sa bayan ng Labo.

 

Ito ay sa pangunguna ni Bokal Artemio Serdon matapos hilingin sa pamamagitan ng resolusyon na ipinasa kahapon, na sila ay imbetahan upang pag paliwanagin kaugnay sa reklamo nitong dalawang residente ng Labo.

 

Base kay Bokal Serdon, Mayo 25 ng makatanggap siya ng sulat galing kay Ms. Beverly A. Saman at Ms. Mevelyn Guzman – Barangay Secretary at Treasurer ng Barangay Kalamunding Labo.

Ayon sa mga ito, noong Mayo 20, 2020 ay hindi sila pinapasok at nakaranas ng diskrimination dahil sa nalaman ng guard na sila ay mga taga-Labo.

 

Pumunta naman ang News team sa nasabing establisyemento upang kunin ang kanilang panig.

 

Ayon kay Mr. Edison Wu, may-ari ng New One Department Store, Hindi totoo na sila ay hindi nagpapapasok ng mga taga Labo. Wala naman anya sa kanilang abiso mula sa Pamahalaan ng Daet upang hindi sila magpapasok ng sinuman. Maliban lamang kung wala itong suot na Facemask, walang Quarantine Pass o Work Pass o kaya naman Menor De Edad pa at Senior Citizen.

 

Posible anya na kaya hindi ito pinapasok ng Security Guard ay baka dahil sa wala itong Quarantine Pass.

 

Camarines Norte News,