Kahapon, Mayo 27, 2020. TInungo ng Team Serbisyong Tallado ang Bayan ng San Vicente upang ipamahagi sa mamamayan nito ang mga relief na nagmula sa Provincial Government. Kung maaalala natapos na ang pamimigay ng mga ayuda sa buong 1st District kaya naman sinisimulan na ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Governor Egay Tallado at Congresswoman Josie Baning Tallado ang Covid19 Relief Distribution sa lahat ng bayan ng 2nd District.

 

Sa isinagawang maliit na programa kahapon sa Municipal Covered Court ay kumpleto at sanib pwersa ang mga opisyal ng San Vincete, sa pamumuno ni Mayor Francis Ong at Vice Mayor Vivian Villamor kasama ang buong Sangguniang Bayan Members nito kung saan ipinakita nila ang buong suporta sa kanila.

 

Dumalo ang 9 na mga Punong Barangay kasama ang kanilang mga barangay councils. Present din sina Vice Governor-Elect Jonah Pimentel at Acting-Vice Governor Concon Panotes kasama ang mga miyembro ng 2nd District Sangguniang Panlalawigan Board Members na sina Atoy Moreno, Renee Herrera at Stanley Alegre.

 

Labis ang pasasalamat ni Mayor Francis Ong kina Governor Egay Tallado at Congresswoman Josie Baning Tallado sapagkat napakalaking tulong nitong mga ayuda na ito sa mga mamamayan ng San Vicente.

 

“Maswerte ang bayan ng San Vicente dahil sa pitong bayan ng Bicol Speaking Municipalities nauna ang aming bayan na mabibigyan ng relief, mahal mahal talaga ang aming bayan ng Serbisyong Tallado”, mensahe ni Mayor Ong.

 

Umabot sa kabuuang 3,093 foodpacks kada households ang naipagkaloob ng Provincial Government para sa bayan ng San Vicente.

 

Camarines Norte News,