Pinangunahan nina Congresswoman Josie Baning Tallado at Provincial Administrator Alvin Tallado ang pagpapatuloy ng pamamahagi ng tig-P2,000.00 sa humigit kumulang 400 Grade 7 students ng DQ Liwag High School sa bayan ng Vinzons sa ilalim ng Provincial Government High School Educational Assistance Program (PGHSEAP). Ito ay isinagawa nitong nakatalikod na araw ng Biyernes, June 19, 2020.

 

Isinagawa ang distribution sa Sto. Domingo covered court at mainit ang pagtanggap ng barangay council nito sa pangunguna ni PB Samson Balce.

 

Ang PGHSEAP ay isa sa programa ng Provincial Government sa pamamagitan ni Governor Egay Tallado na nagbibigay ng tulong at ayuda sa mga mag-aaral ng Grade 7 sa buong lalawigan ng Camarines Norte.

 

Camarines Norte News,

Roden Rosario