Matapos ang ilang taon ay naaresto na ng mga otoridad ang isang lalaki na suspek sa pang gagahasa sa isang Menor De Edad. Taong 2016 pa ng magpalabas ang korte ng Warrant of Arrest.

 

Kinilala ang suspek na si Armando Herrera Sarical, 32 years old, residente ng Purok 5, Barangay Bagongbayan ng Jose Panganiban.

 

Base sa tala Panganiban MPS, sa bisa ng Warrant of Arrest ay matagumpay na naisagawa ang pag aresto kay Herrera nitong Biyernes, June 26, 2020, bandang 5:45 ng hapon sa Purok 5, Barangay Motherlode ng naturang bayan.

 

Sa ngayon, si Herrera ay nasa kamay na ng Jose Panganiban MPS at nahaharap sa mga kasong Rape in Relation to RA 7610 at Acts of Lasciviousness in Relation to RA 7610.

 

Camarines Norte News,