Pormal ng pinasinayaan kahapon ang dalawang Tourist PNP Sub Station sa kahabaan ng Bagasbas Boulevard na matatagpuan sa San Roque sa bayan ng Mercedes at San Jose naman sa bayan ng Talisay na mangangalaga sa kaayusan at kapayapaan ng lugar bilang isa sa mga itinuturing na Tourist Destination sa Camarines Norte.

 

Sa bahagi ng LGU Talisay sa pamumuno ni Mayor DonDon Mancenido lubos ang kanilang pasasalamat sa Provincial Government sa pamumuno ni Gov. Egay Edgardo Angeles Tallado sa paglalagay ng nabangit na proyekto na bahagi ng kanilang Tourism Development dumalo rin sa bahagi ng LGU Mercedes ang kasalukuyang Alkade Boboy Morales at mga kasama nito.

 

Nagbigay rin ng pasasalamat ang Philippine National Police sa pamumuno ni P/Col Marlon TJ Tejada PNP Director ng Camarines Norte.

 

Camarines Norte News,