Nitong nakatalikod na araw, muling binisita nina Municipal Admin Joan Kristine Tabernilla-De Luna, Chairman of Health Councilor Eliza Llovit at MIO Joan De La Fuente ang dating Dumpsite sa Brgy. Bibirao na isinara na.

Paunti unti ay nalilinis at napapaganda na ito ng mga assigned personnel ng nasabing lugar at nagiging taniman na sangayon ng ibat ibang uri ng halaman kagaya ng mga halamang namumulaklak at mga gulay. Wala narin ang mabahong amoy nito dahil sa mga na stock na basura noon.

 

Inaasahan na magiging maganda at malaking tulong ang ganitong klase ng proyekto o pagreconstruct para sa mga residente na naroroon. Isang napakagandang balita na dating mabaho at malabunduking basura, ngayon ay napakalinis at napagtataniman na.

 

Camarines Norte News,