Aprubado na sa una at huling pagbasa ng Sangguniang Bayan ng Daet ang isang panukalang ordinansa na isinusulong ni Councilor Tom Turingan ukol sa mga PDL o Person Deprived of Liberty na bago sila ilagak sa mga pihikan bilang karagdagan sa mga inmates, kailangan sumailalim muna sila sa Rapid Testing or Swab Test, lalo na kung makikitaan sila ng mga sintomas.

 

Ito ang panukulang isinusulong na posibleng ipatupad sa BJMP o District Jail matapos na ito’y malagdaan ng Alkalde ng Daet, Mayor Benito B2K Ochoa.

 

Sa ibang meeting napag usapan na dapat na magkaroon muna ng pansamantalang Holding Area ang imga PDL at obserbahan ng ilang araw bago sila isama sa karamihan. Sa kabilang banda nagpaabot naman ng tanong si Councilor Eliza Llovit kung saan at sino ang babalikat o sasagot ng testing fee. Batay sa paliwanag ng mga may Akda, may collaboration naman anya depende sa senaryo. Kung sa district posibleng shoulder ito ng lokal na pamahalaan, kung iaadopt ng probinsya, provincial level.

 

Pero ang ordinansa ay ipauubaya sa kung ano ang magiging desisyon ng Pamahalaang Lokal. Layunin anya ng Panukalang ordinansa na ito ay maregulate ang posibleng lokal transmission na hatid ng dagdag na PDL.

 

Camarines Norte News,