Muling napagkalooban ng panibagong pondo ang Unang Distrito sa pakikipag ugnayan ni Cong. Josie Baning Tallado sa tanggapan ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Ito ay tinatayang nagkakahalaga ng nasa P20.5M na gagamitin para sa proyektong MODIFIED HEALTH FACILITY (Isolation Facility) with Comfort Room para sa 4 na barangay sa 4 na bayan na kanyang nasasakupan sa Unang Distrito ng Camarines Norte.

 

Dahil sa dami na ng tinatamaan ng virus ngayon sa buong kabikulan at may mga nagpositibo na rin sa ating lalawigan, ay nagplano na at gumagawa na ng paraan ang kongresista upang magkaroon ng maayos na mapaglalagyan, malinis at ligtas ang mga dadalahin na pasyente. Sapagkat ang nasabing pasilidad ay gagamitin para sa isolation at treatment para sa mga tinamaan ng COVID19.

 

Narito ang mga barangay kada bayan at pondong ilalatag para sa mga ito:

  1. Bulhao, Labo (P8.5M)
  2. Larap, Jpang (P5M)
  3. Tabugon, Sta. Elena (P2M)
  4. Tugos, Paracale (P5M)

 

Samantala nagpaabot naman ng mensahe ang kongresista kaugnay sa nasabing proyekto. “Gusto nating mapigilan ang pagdagsa ng tao sa ating mga ospital para ang mga ospital natin ay ma-prioritize iyong mga kritikal at severe ang sakit at pangangailangan, kailangan din nating gumawa ng mga facilities na hindi lamang mabuti para sa mga may sakit pero mapoprotektahan din ang ating mga frontliners— mga doktor at nurse— para siguraduhing hindi sila mai-infect ng virus na ito,” mensahe ni Cong. Tallado.

 

Camarines Norte News,