Isang magandang balita ang ipinaabot ni Governor Egay Tallado kahapon ng hapon para sa mga mamamayan ng Ikalawang Distrito. Sapagkat magsisimula na bukas August 14, 2020, Friday, Umaga hanggang Hapon ang pamamahagi ng Educational Assistance na Programa ng Provincial Government ang PGHSEAP o Provincial Government of Camarines Norte High School Educational Assistance Program.

 

Gagawin ang nasabing pamamahagi ng Educational Assistance sa Camarines Norte Agro Sports Center.

 

Paalala lamang po sa mga nais kumuha ng Educational Assistance, dahil sa pandemyang ating kinakaharap ngayon ay mahigpit pa rin na ipinagbabawal lumabas ang edad 20 pababa, kaya tanging magulang o guardian ng Grade 7 students ang maaaring kumuha ng 2,000 pesos na tulong pinansyal.

 

Kinakailangan lamang dalahin ng mga magulang or Guardian ang mga sumusunod.

  1. Photo Copy ng ID ng studyante at Photo Copy ng ID ng Magulang/Guardian
  2. Photo Copy ng Birth Certificate ng studyante
  3. Barangay Certification na nagpapatunay na ang Magulang o Guardian ay residente ng kanilang lugar at nasa kanyang pangangalaga ang nasabing bata.

 

Narito naman ang Schedule kung anong mga school ang mauunang bigyan ng Educational Assistance.

Morning:

Moreno Integrated School

Vicente Basit National High School

Mabini College – High School Department

Alawihao National High School

Our Lady of Lourdes High School

Chung Hua High School

 

Afternoon:

Camarines Norte National High School

CNSC – Abano Laboratory High School

Porfirio R. Ponayo High School

La Consolacion High School

 

Camarines Norte News,