Nag-umisa nang mag ikot ikot sa mga establisyemento ang mga kawani ng MDRRMO at mga kapulisan nitong ikalawang araw sa pagpasok ng buwan ng Setyembre. Ito ay upang ipaalam sa mga may ari nito at mga empleyado ang mga bagong karagdagang panuntunan SA ipinalabas na Executive Order 38-A 2020. Nagsimula na ang pagiging epektibo nito simula pa noong unang araw ng Setyembre.

 

Agad na ipinaalam ng mga kapulisan sa mga may ari ng mga establisyemento na magsisimula na muli ang curfew hour sa buong bayan ng Daet sa pagpatak ng 10:00 ng gabi. Kung maaalala, sa buong Camarines Norte tanging bayan lamang ng Daet ang may sariling Curfew Hour na 12:00 ng hating gabi, sapagkat ang Daet ang Centro ng Komersyo. Ngunit ngayon kailangang sundin ang bagong ipinalabas na Executive Order.

 

Sa paglilibot din ng mga kapulisan at MDRMMO sa kasentrohan ng Daet, marami rin silang nasita na mga Senior Citizen at mga Menor De Edad. Agad nila itong pinagsabihan. Kanilang ipinaliwanag ang mga panuntunan sa ilalim ng Modified General Community Quarantine kung saan ipinagbabawal pa rin ang paglabas ng mga Menor De Edad lalo na ang mga Senior Citizen hanggang ngayon.

 

Pinapaalalahanan pa rin ang lahat na mag iingat. Lalo na’t sa 12 municipalities ng Camarines Norte, ang bayan ng Daet ang may pinaka maraming tala ng kaso ng Covid19.

 

Camarines Norte News,