Setyembre 12, 2020, Daet, Camarines Norte. Suspendido ang siyam (9) na Punong Barangay sa Kabikolan dahil sa umano’y pagkakasangkot ng mga ito sa anomalya sa distribusyon ng 1st tranche ng Social Amelioration Program o SAP. Ito ay matapos ibaba ng Office of the Ombudsman ang suspensyon alinsunod sa pagsasampa ng kaso ng DILG sa mga nabanggit na Punong Barangay dahil sa malakas na ebidensya laban sa mga ito.

Kabilang sa mga suspendidong Punong Barangay sa rehiyon ay sina:

PB Omar G. Guban – Barangay Batang, Irosin, Sorsogon

PB Medel G. Labayan – Barangay Bayabas, Labo, Camarines Norte

PB Allen Nevales – Barangay Bagongbong, Minalabac, Camarines Sur

PB Anna N. Theresa Losinada – Barangay Lacag, Daraga, Albay 

PB Camillo H. Hiloma – Barangay Binisitahan Del Sur, Magallanes, Sorsogon

PB Eusebio B. Lorico – Barangay Buang, Tabaco city, Albay

PB Gresilda R. Lumawon – Barangay Mahaba, Ligao city, Albay

PB Norma B. Banadera – Barangay Manaet, Bacacay, Albay

PB Roger Cantes – Barangay Carayrayan, Tiwi, Albay 

Ang mga ito ay sasailalim sa anim (6) na buwang preventive suspension. Sa kabuuan ay aabot sa 89 Punong Barangay sa bansa ang sinuspinde ng Ombudsman dahil sa mga reklamo ng katiwalian laban sa mga ito. Samantala, inatasan na ni DILG Secretary Eduardo Ano ang mga Municipal/City Mayors na nakakasakop sa mga sinuspindeng Punong Barangay na agad na ipatupad ang suspensyon sa oras na matanggap ng mga ito ang opisyal na kautusan mula sa Ombudsman.

“Nawa’y magsilbing babala ang suspensiyon na ito sa iba pang mga lokal na opisyales. Ang katiwalian ay walang puwang sa ating pamahalaan lalong lalo pa ngayong panahon ng pandemya”, dagdag na pahayag ni DILG Sec. Ano.

 

Blaise Henry E. Ilan

Camarines Norte News