Kalunos-lunos ang sinapit ng isang lalaki matapos pagtatagain ng sarili nitong pinsan habang sila ay nag-iinuman dakong alas-7 ng gabi, Setyembre 21, 2020 sa Purok 1, Barangay Angas, Basud, Camarines Norte.

 

Tinatayang nasa sampung taga ang tinamo ng biktima na nag-ugat sa pagkamatay nito.

 

Kinilala ang biktima na si Manuel Penalosa y Delos Santos, 21 anyos, residente ng barangay Mangcamagong, Basud, Camarines Norte.

 

Habang ang suspek naman ay kinilalang si Jimmy Delos Santos Baylon, 19 anyos, residente naman ng Barangay Angas ng nasabing bayan.

 

Base sa tala ng Basud Municipal Police Station (BMPS), nag-iinuman ang magpipinsan nang mauwi ito sa alitan at hindi pagkakaintindihan na humantong sa pananaga.

 

Nagkaroon ng pagkakataon na tumakbo ang biktima hanggang sa bahay ng nangngangalang Samuel Bermas ngunit nahabol pa rin ito ng suspek at saka tuluyang napatay.

 

Samantala, nagpapagaling naman ang dalawa pa nitong kaanak sa hospital na nadamay din sa nasabing insidente.

 

Sa ngayon ay hawak na ng awtoridad ang suspek at inihahanda na ang kasong kahaharapin nito.

 

Camarines Norte News