Nagsagawa ng facebook livestream ang  CongTours nitong ika-10 ng umaga, Setyembre 21, 2020 sa pangunguna ng kongresista ng unang distrito, Josie Baning Tallado bilang isa sa mga espesyal nitong episodes.

 

Tampok sa nasabing livestream ang mga naggagandahang lugar, mga pook pasyalan at mga aktibidades na itinatangi ng bawat bayan sa nasabing distrito at isa-isang tinalakay ang mga katangian nito

 

Kaugnay pa nito ay nagkaroon ng Trivia Questions patungkol pa rin sa tourist spots ng distrito, kung saan ang mga nanalo ay nakatanggap ng Huawei Tablets.

 

Layunin ng programa na ipakilala sa mga turistang magnanais na bumisita sa probinsya ang mga lugar na kadidiskubre pa lamang gayundin ang mga noon pa man ay dinarayo na ng mga tao, kabilang na ang mga sumusunod;

 

  1. Nuestra Senora de candelaria church – Paracale
  2. Gold Panning – Paracale
  3. Bag-Angan Farm Resort, Labo
  4. Tinagong Beach, Capalonga
  5. Pulang Daga – Paracale
  6. Black Nazarene – Capalonga
  7. Padayog Festival – Sta Elena
  8. Malatap Falls – Labo
  9. Capalonga Light House – Capalonga
  10. Maligaya Falls – Labo
  11. Jose Ma. Panganiban Shrine – Jose Panganiban
  12. Pulong Guit-guit- Sta Elena
  13. Pag-Asa Falls – Labo
  14. Parola Island – Jose Panganiban
  15. Turayog Viewdeck – Jose Panganiban
  16. Palong Festival – Capalonga
  17. Pabirik Festival – Paracale
  18. Mambulao Festival – jose Panganiban
  19. Busig-on Festival, Labo
  20. Macolabo Island – Paracale
  21. GUmaos Beach – Paracale
  22. Pulong Guijanlo – Capalonga
  23. Capalonga Zipline Adventure –Capalonga
  24. ATV Adventure – Paracale

 

Camarines Norte News