Pinatawan ng 60-day Preventive Suspension ng Sangguniang Panlalawigan ng Camarines Norte ang Mayor ng Paracale, Romeo Moreno matapos na masangkot sa illegal gambling

Ayon kay Atty Don Culvera, Provincial Legal Officer ng lalawigan, nag desisyon ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan sa pangunguna ni Acting Vice Governor Joseph Christopher Panotes kasama ang mga Board Members na patawan ng Preventive Suspension ang nasabing alkalde.

Matatandaan na inaresto ng PNP Daet si Moreno noong Disyembre taong 2019, matapos mahuling nagsasagawa ng illegal gambling noong buwan ng Disyembre taong 2019 sa isang apartment sa Barangay I, Daet Camarines Norte

Bigong makapag presinta ng Valid ID si Mayor Moreno at nagpakilala pa umano ito sa pangalan na “Benjamin Villanueva.”

Sinampahan si Moreno at mga kasama nito ng kasong paglabag sa PD 1602 o Illegal Gambling gayundin sa pagsisinungaling sa tunay nitong katauhan

Kasunod ng suspensyon, hahalili muna bilang Acting Mayor si Vice Mayor Adet Asutilla habang Acting Vice Mayor naman si Councilor Edgar Alcala

Nanawagan naman si Atty Culvera bilang Provincial Legal Officer sa kapwa niya mga kawani ng pamahalan at mga elected officials na sundin ang alituntunin na ipinag-uutos ng DILG at serbisyo sa bayan ang iprayoridad sa halip na mga illegal na gawain

 

Camarines Norte News