Natanggap kahapon ng 599 na public school teachers mula sa Jose Panganiban ang communication cash assistance mula pamahalaang panlalawigan ng Camarines Norte.

Ang mga benipisyaryo ay mga guro ng East and West district ng naturang bayan.

Ginanap ang unang bahagi ng distribution sa Larap National High School kung saan 204 na mga guro ang nabahagian habang ginanap naman kinahapunan sa Jose Panganiban National High School ang pamamahagi  kung saan 355 teachers ang tumanggap ng ayuda. 

Ang programa ay naidaos sa pangunguna ni Congresswoman Josie B. Tallado kasama sina 1st District Board Members Artemio Serdon at Aida Dasco.

Nagpaabot naman ng pasasalamat ang mga guro sa Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte  sa natanggap na insentibo.

Samantala, nagkaloob din ang kongresista ng mga libro para sa Larap Elementary school na tinanggap ni Principal Rez Salazar upang kanilang magamit na karagdagdang reference sa pagtuturo.

Narito ang mga eskwelahan na nakatanggap ng cash assistance:

(JP West District)

  1. San Jose ES
  2. V. Gabo ES
  3. San Martin ES
  4. Nakalaya ES
  5. Sta. Elena ES
  6. LD Bamba ES
  7. San Isidro ES
  8. ALS
  9. CB Enverga ES
  10. D. Albonia ES
  11. San Pedro ES
  12. Larap ES
  13. Pag-Asa ES
  14. Ulipanan ES
  15. Sta. Cruz NHS
  16. Larap NHS
  17. Tawig ES
  18. Sta. Milagrosa ES

(JP East District)

  1. JPNHS
  2. Jose Panganiban East
  3. Parang ES
  4. San Rafael ES
  5. Calogcog ES
  6. Osmeña ES
  7. Roman V. Heraldo ES
  8. Segundo Aguirre ES
  9. Luna ES
  10. ALS