Aprubado na ng Department of Budget and Management ang 10 milyong pondong pang-ambulansya na request ni Congresswoman Josie B. Tallado para sa bawat bayan ng Unang Distrito ng Camarines Norte.

Sa pag-anunsyo ng kongresista, sinabi nito na nitong Miyerkules, November 4, 2020 kinumpirma na sa Central Office ng Bureau of Treasury ang Local Government Support Fund at na-idownload na rin sa Reginal Office.

Bagay na kinumpirma ng Bureau of Treasury Region-V Accountant Rachelle Bataller nang kanya itong makapanayam at sinabing kahapon, November 5 ay maidadownload na ito sa Camarines Norte.

Ang mga bayan na makatatanggap ng tig-iisang ambulansya ay ang Capalonga, Jose Panganiban, Labo, Sta Elena at Paracale.

Noon pa man umano ay batid na kongresista ang pangagailangan ng nasabing transportasyon para sa mga emergency situations lalo’t ang mga nabanggit na bayan ay may kalayuan sa Panalawigang Pagamutan kung saan artikular na tinukoy nito ang bayan ng Capalonga at Sta Elena na may distansyang aabot sa 90 kilometro para makarating sa kapitolyo ng Daet.

Ito rin umano ay isa sa mga hiling ng punong ehekutibo para sa bawat bayan ng unang distrito kung kaya’t minabuti nito na maglaan ng pondo para sa nasabing proyekto.

Target ng kongresista na maidistribute ang mga ambulansya bago sumapit ang Pasko bilang aguinaldo na rin umano sa mga mamamayan.