Naghahanap ng 533 College Students Scholars mula sa Unang Distrito ng lalawigan ng Camarines Norte ang tanggapan ng kinatawan ng Unang Distrito na si Josie B Tallado. 

Ito ay matapos muling makatanggap ng pondo mula sa Commission on Higher Education (CHED) ang tanggapan ng kongresista para sa mga piling College Students ng naturang distrito.

Paalala ng tanggapan na madaliin ang pagsumite ng aplikasyon dahil ito ay first come, first serve-basis at may itinakdang deadline ang CHED para maisumite ang listahan ng mga pangalan ng bagong iskolars.

Paalala rin ng tanggapan na dapat ang lahat ng mga dokumento ay authenticated.

November 11, 2020 ang binigay na deadline o cut off ng pamunuan ng CHED. 

Ang submission ng requirements ay simula November 9, 2020 hanggang November 10, 2020 8:00 A.M. to 5:00 P.M.

Nagkakahalang Walong (8) Milyong Piso ang nasabing pondo sa ilalim ng CHED-Tulong Dunong Program para sa buong semestre ng school year 2020-2021.

Ang bawat makukuhang Scholarship grantee sa iba’t ibang Higher Education Institutions (HEIs) ay makatatanggap ng P7,500 kada semester o kabuuang P15,000 para sa School Year 2020-2021.

Ito ay bilang tugon sa mga pamilyang kapos sa pinansyal na aspeto upang mapa-aral ang kanilang mga anak sa kolehiyo.

Ang mga sumusunod ay ang pangunahing requirements para sa mga aspiring scholars:

STEP 1: 

  • I-download ang application form sa link na ito:

https://ched.gov.ph/…/CHED-Scholarship-Program…

STEP 2: 

  • Para sa mga incoming freshmen, ipasa ang certified true copy of Grades with general weighted average (GWA) in Grade 12 (1st and 2nd semester)
  • For applicants with Earned Units in College:

– Duly Certified True Copy of Grades for the latest semester attended with general weighted average (GWA).

  • For Applicants who already enrolled:

– Registrar’s Certification

– Assessment

  • Cerificate of Indigence from their barangays or from the Department of Social Welfare and Development (DSWD)

STEP 3:

  • I-submit ang PRINTED APPLICATION kasama ang mga kumpletong requirements sa tanggapan ni Congresswoman Josie Baning Tallado, 1st District Legislative Office, barangay Anahaw, Labo