Nilagdaan na kahapon ang Memorandum of Agreement para sa 4 na milyong pisong Calamity Fund Assistance sa pagitan ng Provincial Government of Camarines Norte at ng Department of Health Regional Office V.

Kasabay nito ay ang pag-Turn Over ng nasabing halaga upang magamit na sa mga apektado ng kalamidad dulot ng nagdaang bagyong Ulysses.

Pinangunahan ito ni Camarines Norte Governor Edgardo Tallado at ni DOH-RO V Regional Director Ernie Vera. 

Ang kasunduan ay bahagi ng implementasyon ng Health Emergency Management Services (HEMS).