Pumalo na sa 464,885,168.00 milyong piso ang iniwang pinsala ni bagyong Ulysses sa lalawigan ng Camarines Norte base sa Partial Total Damage report ng Provincial Disaster Risk Reduction and Managemet Office (PDRRMO) ng lalawigan.

Ang pinakamalaking porsiyon ng pinsala ay naitala sa sektor ng imprastraktura kung saan umabot ito sa 260,205,000.00.

Naitala naman ang 127,360,000.00 halaga ng pinsala sa schools and facilities mula sa report ng DepEd.

Base naman sa tala ng Office of the Provincial Agriculture (OPAG) pumalo na sa 77,320,168 milyong piso ang iniwang pinsala sa sektor ng agrikultura at pangingisda.

Sa Power Sector naman ay naitala ang partial total damage na 3,700,000.00M batay sa datos ng CANORECO habang sa sektor naman ng patubig ay walang naiulat na pinsala.

Samantala, umakyat na sa 15,348 families na katumbas ng 54,621 individuals ang naapektuhan ng nagdaang bagyo.

Lima (5) ang naitalang pagkasawi, apat (4) ang kasalukuyang nawawala at 25 ang naitalang injured.

Ang bilang ng mga nasirang kabahayan naman ay umakyat na sa 8,334 totally damaged habang 14,124 ang naitalang partially damaged.

Sinigurado naman ng Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte, katuwang ang iba pang mga tanggapan at ahensya rito na patuloy ang kanilang isinasagawang mga hakbang kaugnay ng kinakaharap na sitwasyon bunsod ng kalamidad.