Aprubado na ng Sangguniang Panlalawigan ang pag-loan ng Provincial Government of Camarines Norte ng budget para sa itatayong Hotel and Convention Center sa Barangay Bagasbas ng lalawigan.

700 Milyon ang halaga ng itatayong tatlong palapag na imprastraktura na mapopondohan sa pamamagitan ng paghiram ng PGCN sa lending banks sa lalawigan.

Sa eksklusibong panayam ng Cool Radio News kay Governor Edgardo Tallado, sinabi nito na mayroong kapasidad na 1,500 persons at 100-120 rooms ang nasabing Hotel Convention Center, kung saan ang ibabang bahagi ay nakasadya para sa mga commercial establisments at may iba’t ibang pasilidad din na ipatatayo.

Magiging Income Generating Project (IGP) umano ito na malaking tulong din sa turismo ng lalawigan maging sa employment at livelihood ng mga mamamayan.

Tatlong taon na ayon sa gobernador nang mapag-usapan ang tungkol sa proyekto kung kaya’t minamadalina rin nila ang pagsulong nito na aabutin ng dalawang (2) taong konstruksiyon.