Pinarangalan ng Department of Labor and Employment RegionV (DOLE – ROV) ang Representative ng Unang Distrito ng Camarines Norte, Congresswoman Josie Baning tallado nitong Miyerkules, november 18, 2020 sa pangunguna ni DOLE Regional Director Joel Gonzales.

Ang pagkilala ay natanggap ng kongresista matapos na maitala ng DOLE na isa sa mga distritong marong pinakamaraming nailunsad na TUPAD (Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged / Displaced Workers) Projects sa buong Bicol Region.

Ibinahagi ng kongresista ang kanyang karangalan na natanggap na ayon sa kanya ay kanyang dedikasyon sa mga mamayan ng nasabing distrito maging sa buong lalawigan.

Ang TUPAD Program ng DOLE ay tulong para sa mga mamamayang nasa impormal na sektor gaya ng underemployed or self-employed workers na nawalan o naapektuhan ang kabuhayan o kita dulot ng COVID-19 pandemic.

Kaugnay nito, kasalukuyang umuusad na rin ang TUPAD Projects ng Unang Distrito sa Labo para sa mga mamamayan ayon kay Congresswoman Tallado.