Inilunsad kahapon sa Barangay Cobangbang, Camarines Norte ang Solid Waste Management on Wheels sa pangunguna ni Daet Mayor Benito Ochoa.

Isang Shredding machine na nagkakahalagang P250,000 ang ipinagkaloob sa naturang barangay sa pamamagitan ni Punong Bayan Paz Pacao.

Ang proyekto ay inisyatibo ng Solid Waste Management team ng bayan sa pamumuno ni SWM Division Head, Rene Rosales katuwang ang kanilang mga kawani at lokal na pamahalaan ng Daet.

Ang mga basurang iginigiling sa machine, gaya ng plastic at mga bote ay sumasailalim sa pagrerecycle. Mula sa mga substance na ito ay nakagagawa ng mga produkto gaya ng unan, hollow blocks at mga paso.

Sa ganitong paraan umano ay mababawasan ang volume ng mga basura na maiipoproduce ng barangay at makatutulong para sa livelihood ng mga mamamayan.

Sa kasalukuyan ay may pitong Shredding Machine ang Bayan ng Daet, kung saan ipinaiikot ang mga ito at ipinahihiram sa mga barangay.

Plano rin umanong mabahagian ng SWM Team ng Shredding Machine ang bawat barangay ng lalawigan.