Pinambili ng 200 sako ng bigas ni 1st District Representative Josie Tallado ang kanyang buong sahod sa Buwan ng Nobyembre para sa kanyang nasasakupang Distrito.

Ang mga bigas na binili nito sa Natinal Food authority (NFA)ay pandagdag sa mga ipinamamahaging relief goods ng kongresista hanggang sa kasalukuyan para sa mga mamamayan ng Unang Distrito.

Ayon sa kongresista, mas higit na kailangan ng mga mamamayan na lubos na naapektuhan ng nagdaang bagyo ang kanyang sahod kung kaya’t minabuti nito na ibili at ilaan na lamang ang salapi sa pagbili ng bigas.

Kaugnay nito ay patuloy daw na mangangalap ng pondo ang kongresista na ilalaan sa relief operations lalo’t wala umanong calamity fund ang mga kongresista.

Nagpaabot din ng pasasalamat si Congresswoman Tallado sa NFA-Camarines Norte para sa kanilang agarang aksyon sa kanyang request na mapabilis ang proseso ng pagbili at pag-pick up sa nasabing bigas.

Nagpasalamat din si Tallado sa lahat ng mga sponsor na nagpaabot ng tulong sa unang distrito bilang tugon sa nagdaan na kalamidad.

Mababatid na tuloy-tuloy ang isinasagawang relief operations ng kongresista para sa mga sinalanta ng bagyong Ulysses sa Unang Distrito.