Idaraos ngayong araw, ganap na ala-una ng hapon ang 7th Recognition and Awarding Rites para sa mga PGCEAP (Provincial Government College Education Assistance Program) graduate grantees and achievers sa ilalim ng pamahalaang panlalawigan ng Camarines Norte.

Ang programa ay isasagawa online sa pamamagitan ng Zoom at Facebook Livestream para sa School Year 2019-2020.

Pangungunahan ni Governor Edgardo Tallado ang recognition kung saan ito ay magbibigay ng kanyang mensahe para sa mga PGCEAP grantees.

Ilan sa magiging bahagi ng programa ay ang paggawad ng Award of Exelence for Honor Graduates kung saan gagawaran din ang mga ito ng Cash Incentive, isasagawa rin ang Awarding of Distinction for Consistent PGCEAP Grantees na kinabibilangan ng mga estudyanteng naging benipisyaryo ng programa sa loob ng apat (4) hanggang lima (5) na magkakasunod na taon.

Kabilang sa mga nabanggit na Outstanding Grantees ay sina Aubrey M Andaya, Princess Diane O. Aloc, Jean M. Guntan, Joy Ann Magallones na pawang mga nagtapos bilang Magna Cum Laude at Jeanessa Aban, Unica Ana Alamaris, Ron Jason L. Basilio, Jennifer O. Jalimao, Arvin Hepulla, Glanda Panganiban at fate Serrano na mga nagsitapos naman bilang Cum Laude.

Inaasahan na dadalo ang mga graduate grantees and achievers at lahat ng mga kasalukuyang scholar ng nasabing programa sa lalawigan.