Muling mamamahagi ng Tablets sa mga mapipiling estudyante ng Unang Distrito ang representative nito na si Josie Baning Tallado.
Mula ngayong araw, December 1, hanggang sa darating na December 15 tatanggapin ang entries o komento sa Facebook post ng kongresista http mula sa mga nais na makatanggap ng tablets.
Sahod ng kongresista para sa buwan ng Disyembre ang gagamitin nito sa pagbili ng Tablets.
Ang gagawin niyang pamamahagi ay bilang tugon umano sa mga request ng mga estudyante na sila ay mabigyan din ng nasabing gadget para sa kanilang pag-aaral.
Ito rin umano ay kanyang maagang pamasko para sa mga kabataang mapipili na mabiyayaan ng nasabinggadget.
Matatandaan na nito lamang nagdaan na buwan ng Setyembre ay namahagi ang kongresista ng 80 Huawei tablets sa mga estudyante sa naturang distrito.
Hindi man umano mabibigyan ang lahat, sisiguraduhin naman daw ni Representative Josie Tallado na mas marami ang mabibiyaan kumpara sa unang batch na ipinamahagi.
Nagpaabot ito ng pasasalamat sa suporta ng kaniyang asawa, ang gobernador ng lalawigan Edgardo Tallado para umano sa suporta nito sa kaniyang proyekto.
Samantala, hinihikayat din ni 1st District Representative ang mga negosyante sa pribadong sektor na magabot ng donasiyon sa programa na gagamitin bilang pandagdag sa ipamimili ng tablet.
Nakatakdang ianunsiyo sa December 18, 2020, Biyernes ang mga mananalo at ipapamamahagi naman ang mga nasabing Tablet sa mga nanalo sa December 21, 2020, Lunes.
Ang mechanics para mapili ay ang mga sumusunod:

1. I-follow ang page na ito https://www.facebook.com/jbtcamnorte/ (dahil dito po iaanunsyo ang listahan ng nanalo) at i-share ang post nating ito tungkol sa tablet.

2. Mag-COMMENT lang po kayo sa post na ito https://www.facebook.com/jbtcamnorte/posts/1283299828703714, Ilagay ang Pangalan, Barangay at Munisipyo sa 1st District, at Eskwelahan at ilagay ang iyong pangalan o pangalan ng taong pag-bibigyan:
Halimbawa:
Pangalan: Juan dela Cruz
Brgy/Town: Anahaw, Labo
School: Labo Elementary School
3. Sabihin sa inyong Comment kung bakit IKAW, ang inyong ANAK, KAMAGANAK, KAIBIGAN o KAKLASE ang dapat mabigyan ng Tablets ngayong pasko.
Note: Ang sampu (10) na may pinakamaraming likes ay tiyak na makakatanggap ng Tablet.