Ginawaran ng ₱20,000.00 si Ener B. Rojo, Job Order Employee ng Provincial Engineering Office ng lalawigan.
Ito ay bilang pagkilala at insentibo sa ipinakita at ginawang katapan ni Rojo matapos na isauli noong October 5, 2020 ang mga alahas na kaniyang napulot na nagkakahalagang aabot sa ₱800K.
Personal na iniabot ng gobernador ng lalawigan, Governor Edgardo Tallado sa kawani ang nasabing halaga.
Kasama sa paggawad ang hepe na si PE Marvil Tobias na siyang nagendorso kay Rojo sa Pamahalaang Panlalawigan upang mabigyan ng pagkilala at pabuya.