Nagkaloob ng limang (5) unit ng printer ang pamahalaang lokal ng Daet para sa Alternative Learning System (ALS) Program sa Daet South at Daet North.

Ang isinagawang turn-over ay kasabay ng ginanap na Local Board Meeting ng pamahalaang lokal ng daet.

Ang pondo na ipinambili ng mga nasabing printer ay mula sa Special Education Fund ng LGU-Daet sa pamumuno ni Mayor Benito S. Ochoa.

Kabilang sa mga nanguna sa turn over sina Councilor Eliza H. Llovit, SB Committee Chairperson on Education sa bayan ng Daet at Municipal Administrator Joan Kristine T. De Luna.