Naghatid ng tulong sa Barangay Mambalite, Daet, Camarines Norte ang Phoenix Asian American Lions Club katuwang si Councilor Eliza H. Llovit kahapon, December 6, 2020.

Ito ay sa pamamagitan ng pamamahagi ng relief goods sa nasabing barangay.

Ang Pheonix Asian American Lions Club ay isang charity organization kung saan sila ay nagsasagawa ng mga programang gaya ng paghahatid ng tulong upang masugpo ang kagutuman, gayundin ang mga programa para sa mga kabataan, kalikasan, veterans at iba pa.

Sa pahayag ni Mambalite Barangay Captain Michelle Ocan, nagpaabot ito ng pasasalamat at sinabi na ang natanggap na tulong ay isang maagang pamasko para sa kanilang barangay.