Natanggap na ng kabuuang 639 na TUPAD (Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged / Displaced Workers) beneficiaries mula sa tatlong bayan sa Unang Distrito ang kanilang mga naging sahod nitong nakaraang llinggo.

Sa bayan ng Labo, 339 ang mga TUPAD beneficiaries ang nakakuha na ng kanilang sahod mula sa ginanap na pay-out.

Sa bayan naman ng Sta. Elena, 150 beneficiaries ang kabuuang mga manggagawa nakatanggap ng kanilang sahod.

Habang sa bayan ng Paracale ay 150 beneficiaries din ang nakatanggap na ng kanilang sahod.

Pinangunahan ni 1st District Representative Josie B, Tallado ang pamamahagi katuwang din ang Administrator ng Pamahalaang Panlalawigan, Alvin Tallado.