Aprubado na ng Sangguniang Bayan ng Daet ang 2,000 piso na insentibo na ipamamahagi para sa mga pampublikong guro sa bayan ng Daet, Camarines Norte.
Tatanggap ang bawat guro na nagtuturo sa naturang bayan ng nasabing halaga mula sa Lokal na Pamahalaan ng Daet sa pamumuno ni Mayor Benito Ochoa.
964 ang kabuuang bilang ng mga guro na magiging benipisyaryo nito kung saan 630 teachers mula sa Daet North at 334 naman mula sa Daet South.
Ito ay kanilang magagamit bilang Load Allowance para sa umiiral na Online Classes sa kasalukuyan.