Pinasinayaan na at binasbasan ang Microbiology Laboratory ng CNPH (Camarines Norte Provincial Hospital) kahapon, December 9, 2020.

Ito ay idinaos sa pangunguna ng Pamahaalaang Panlalawigan ng Camarines Norte sa pamamagitan ni Governor Edgardo Tallado at ni Acting Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco at Provincial Administrator Alvin Tallado.

Ang naturang Microbiology Laboratory ay siyang bukod-tangi sa lalawigan, bagay na ipinasasalamat ng pamunuan ng Panlalawigang Pagamutan na siyang laman ng ibinahaging mensahe ni Dr. Francisco.

Ayon pa kay Francisco, importante ang pagkakaroon ng ganitong laboratoryo upag matugunan ang mga severe at nakakahawang sakit at upang maibigay sa mga pasyente ang kinakailangan na gamutan.

Sa mensahe naman ng gobernador, sinabi nito na kung ano pa ang kailangan ng ospital ay i-recommend lamang sa kanyang tanggapan at maasahan ang kanyang suporta.

Ang hinihingi lamang umano niya ay ibigay ng mga kawani ang inaasahang kalidad na serbisyo sa kanila lalo na sa mahihirap na mamamayan.