Inilunsad nitong Biyernes, December 11, 2020 ang Plant Plant Plant Program ng Department of Agriculture sa lalawigan ng Camarines Norte na ginanap sa Agro Sports Center.

Nasa 153 associations ng mga magsasaka sa lalawigan ang nabahagian ng farm inputs at iba pang materyales upang makatulong sa kanilang pagbangon matapos ang pananalanta ng mga bagyong nagdaan sa lalawigan.

Pinangunahan ni DA Regional Director Rodel Torilla at DA Field Operation Officer Mary Grace Rodriguez ang pamamahagi katuwang si Camarines Norte Governor Edgardo Tallado.

74 na Farmer association na nagtatanim ng mga gulay ang nabigyan ng gardening tools at mga vegetable seeds habang nasa 77 association naman na magsasaka ng palay ang nabigyan ng mga high breed seeds palay at fertilizer, at dalawa pang association na nagtatanim ng mga mais ay nabigyan ng tulong sa pagsasaka.

Mismong mga presidente ng mga farmers association ang tumanggap ng intervensions kasama ang mga punong bayan ng buong lalawigan.

Ginanap ang pamamahagi para sa mga nasa unang distrito umaga ng Biyernes habang idinaos naman ng hapon ang pamamahagi para sa mga nasa pangalawang distrito.

Patuloy naman umanong tatanggap ng kagayang tulong ang lalawigan mula sa Department of Agriculture sa tulong na rin ng Pamahalaang Panlalawigan ayon kay Director Tornilla.

Dagdag pa nito ay hindi na kailangan na mamroblema at gumastos ng mga magsasaka para sa sasakyan at gas sa pagkuha ng mga tulong dahil sila na mismo ang maghahatid ng mga itosa lalawigan.