NILAHUKAN NG NASA 20 LOCAL VISUAL ARTISTS ANG ISINAGAWANG AKTIBIDAD NA “PINTANG MERCEDEÑOS” SA JIMMY LO COMPLEX, MERCEDES, CAMARINES NORTE.

PINANGUNAHAN ITO NG LOKAL NA PAMAHALAAN NG MERCEDES SA PAMAMAGITAN NINA DESIGNATED MERCEDES TOURISM OFFICER EDNA S.UNDAZAN, ADMIN OFFICER IV AT CHAIRPERSON RUEL SANTELICES NG MERCEDES VISUAL ARTISTS SOCIETY.

IBINIDA ANG MGA PINTANG MAIHAHALINTULAD UMANO ANG KALIDAD SA NATIONAL AT INTERNATIONAL PAINTINGS.

ISINAGAWA ANG NATURANG EXHIBIT UPANG MAKILALA ANG MGA NAKATAGONG GALING SA PAGPINTA NG ILANG MGA KABABAYAN NATIN SA NATURANG BAYAN.

MAAARING MABILI ANG MGA PAINTINGS KUNG SAAN ANG KALAHATI NG MAIBEBENTA AY GAGAMITIN SA MGA GAGAWING WORKSHOP NG MERCEDES VISUAL ARTISTS SOCIETY PARA SA MGA POTENSYAL NA KABATAANG PINTOR NG BAYAN NG MERCEDES AT ANG KALAHATI NG HALAGA NAMAN AY IBIBIGAY MISMO SA GUMAWA NG PAINTINGS.

AYON SA LGU, MARAMING MAGAGALING NA MGA VISUAL ARTISTS SA MGA PROBINSYA O BAWAT BAYAN NG BANSA ANG NANGANGAILANGAN NG EXPOSURE KAYA SA PAMAMAGITAN NG MGA GANITONG AKTIBIDAD AY MAKIKILALA ANG BAWAT ISA.

– ORLANDO ENCINARES