Aprubado na ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang request na mga bangka ni Representative Josie Baniong Tallado para sa mga mangingisda ng unang distrito.

Sinabi ni BFAR Region V Director RD Nelson Bien na bagamat hindi nila maibibigay kaagad ang lahat ng nirequest na Bangka ng kongresista dahil 100 bangka lamang ang kanilang alokasyon sa buong rehiyon ay gagawan nila ng paraan na mabigyan ang 1st District ng ayon sa request ng kongresista.

Ayon naman kay Representative Tallado, kahit ilang bangka ang maibibigay ay tatanggapin dahil ito ay malaking tulong na sa mga mamamayan.

Mababatid na 200 fishing boats at 500 cages ang nirequest ni Tallado sa ahensya para sa mga magingisda na lubahang naapektuhan ng nagdaang mga bagyo.

Kasalukuyan na umanong nakikipagcoordinate ang tanggapan ng kongresista kung paano mapipick-up ang nasabing bangka upang maipamahagi na sa mga mangingisda.