Natanggap na ng 100 estudyante mula sa unang distrito ng Camarines Norte ang kanilang Huawei Tablets mula kay 1st District Representative, Josie Baning Tallado.

Ang naturang mga estudyante ang napili ng tanggapan na naglahad ng kanilang mga kwento sa pamamagitan ng pagkokomento sa Facebook post ni Congresswoman Tallado noong nakaraang December 1, 2020 na nagtapos hanggang December 15, 2020.

Mismong ang kongresista ang nanguna sa pamamahagi ng nasabing gadgets sa mga estudyante na ginanap sa kanyang opisina sa Barangay Anahaw, Labo ngayong araw, December 21, 2020.

Mababatid na ang pondo na pinambili ng 100 Huawei Tablets ay mula mismo sa sariling bulsa ng kongresista, kung saan ang ginamit nito ay ang kanyang sweldo para sa buwan ng Disyembre.

Layon nito na matulungan ang mga estudyante na kapos sa pinansyal na aspeto upang makabili ng nasabing gadget na gagamitin sa kasalukuyang umiiral na online classes.

Lubos naman ang pasasalamat ng mga magulang maging ng mga estudyante na tumanggap ng tablets at sinabing malaking tulong ito sa kanila.